Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Driver dedo sa ambush ng kaalitan

0 108

Kinilala ang namatay na biktima na si Crispin Mangilin, 50-anyos, na ideneklarang dead on the spot ng mga awtoridad. Ginagamot naman sa ospital ang pamangkin nito na si Joana Amon, 25, na nahagip din ng mga bala.

Batay sa report ng Calamba City Police, nakasakay ang dalawa sa multicab na minamaneho ng nasawi nang harangin at pagbabarilin ng suspek na kinilalang si Ivan Ceres, 25, sa Barangay Bubuyan.

Agad ding tumakas ang suspek na sumakay sa kanyang motorsiklo matapos ang pananambang. Ayon sa mga imbestigador, matagal nang may alitan ang suspek at biktima na siyang naging dahilan ng pamamaril.

Pinaghahanap pa rin ang tumakas na suspek na sasamapahan na rin ng kasong murder at frustrated murder. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.