Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Driver dinalaw ang kabit, binugbog ng karibal

0 71

Arestado ang dala­wa sa pitong suspek matapos na kuyugin ang isang lalaki na dumalaw sa kabit nito sa Bacoor City, Cavite, Lunes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga naaresto na sina Francia Tausa at Romeo Bermejo habang pinaghahanap pa sina Aaron Dequilla, Jonny Dequilla, Monmon Dequilla, Kenneth Superanza at Mark Daniel Leonado dahil sa reklamo ni Irene Ferrer, 44-anyos, asawa ng biktimang si Ernesto Ferrer Jr., 42, isang driver na kasalukuyang ginagamot sa Perpetual Help Medical Center.

Sa ulat ni P/SSgt. Albert Badocdoc ng Bacoor City Police Station, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang magtungo ang biktima sa bahay ng kanyang kabit na si Francia sa Brgy. San Nicolas 3, Bacoor City.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Subalit pagdating doon ay naabutan niya si Aaron na nanliligaw sa kanyang kabit dahilan upang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng tatlo.

Tinawag ni Aaron ang kanyang mga kamag-anak at iba pang kaibigan at pinagtulu­ngang bugbugin si Ernesto na nagresulta sa matinding pinsala nito sa katawan.

Unang naaresto ang mga suspek at dinala sa barangay hall subalit pinatakas ni Bermejo si Aaron at mga kasamahan nito. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.