Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Driver dinamay ng tandem Mental hospital boss, tinigok

0 237

Sa kabila nang mahigpit na seguridad at maraming nakakalat na miyembro ng PNP, nagawa pa ring tambangan ng ‘riding-in-tandem ang hepe ng National Center for Mental Health (NCMH) at ang driver nito sa Quezon City nitong Lunes ng umaga.

Sa inisyal na report sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang mga biktimang namatay noon din ay sina NCMH chief, Dr. Roland Cortez at ang driver niyang si Ernesto dela Cruz.

Base sa ulat, pasado alas-7:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa kanto ng Cassanova Drive at Tandang Sora Avenue, Brgy Culiat, QC.
Sakay umano ang mga biktima ng pulang Toyota Vios na isang government vehicle na may plakang DAZ 3464 nang mangyari ang krimen.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na basta na lamang sumulpot ang mga suspek sakay ng motorsiklo at walang habas na pinagbabaril ang dalawa bago mabilis na tumakas.

Nabatid na noong July 15, 2019 ay naghain ng reklamo si Dr. sa Office of the Ombudsman laban sa NCMH chief administrative officer na si Clarita Avila dahil sa iregularidad sa pag-award ng proyektong ektensyon ng NCMH’s Pavilion 6 sa Octant Builders.
Patuloy naman ang pagsisiyasat ng kapulisan sa insidente.

Labis namang ikinabigla at kinondena ng DOH ang pagkakapaslang kina Cortez at Dela Cruz.

Kasabay nito ay nangako ang kagawaran na tutulong sila upang mabigyang hustisya ang sinapit ng dalawa. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.