Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Driver ginapos, niratrat sa QC

0 148

Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang driver na ginapos ang magkabilang kamay na isinabit pa sa leeg ang kable, ibinalot ang buong ulo ng masking tape bago ilang ulit na pinaputukan ng baril ang sa Quezon City, nitong Huwebes.

Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng driver’s license at quarantine pass na si Agusto Santos, 42, ng Brgy. 307, Zone 30, Sta. Cruz, Maynila. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang pagpatay sa biktima ala-1:50 ng madaling-araw sa madilim na bahagi ng P. Florentino St., corner Biak na Bato St, Brgy. Sto. Domingo.

Ayon sa testigo na security guard ng isang gusali malapit sa lugar, nagsasagawa siya ng routine check-up sa binabantayan na establisyimento nang makarinig siya ng mga putok ng baril at nang kaniyang puntahan ay nakita niya ang duguang bangkay ng lalaki habang mabilis na tumalilis ang isang kotse na hindi naplakahan.

Sa isinagawang eksaminasyon, nagtamo ng apat na tama ng bala ng baril sa likod at tagiliran ang biktima.

Patuloy ang isinagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa insidente. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.