Abante Tonite Interactive

Driver nagtutulak habang namamasada

357

Kulungan ang bagsak ng isang tsuper matapos lagakan ng warrant of arrest sa kasong pagtutulak ng iligal na droga sa ikinasang search and warrant operation kamakalawa sa Brgy. Palatiw, Pasig City.

Sa report sa Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Gaudencio Moncada Y Vidad, 51-anyos, residente ng Villa Raymundo, N. Cruz St., Brgy. Palatiw, Pasig City.

Ayon kay PLt/Col. Hendrix Mangaldan, ng District Drug Enforcement Unit, ikinasa ang search and warrant operation bandang alas-kuwatro nang hapon ng Martes sa bahay ng suspek sa Brgy. Palatiw.

Nabatid na kabilang si Moncada sa listahan ng barangay drug watch list kung saan matagal na siyang sinusubaybayan ng pulisya dahil sa talamak na pagbebenta ng shabu habang namamasada.

Nakuha sa loob ng bahay ng suspek ang 7 plastic transpa­rent sachet ng shabu na nagkakahalagang P30,000 at ilang drug paraphernalia.

Nakakulong ngayon si Moncada sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Vick Aquino)