Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Driver ng kotse inantok, rider todas

0 70

Pumanaw ang isang rider nang salpukin ang kanyang motorsiklo ng isang kotse na minamaneho ng inantok na driver sa Alfonso, Cavite, Linggo ng umaga.

Isinugod pa sa Poblete Hospital ang biktimang si Arnold Caluya, 36-anyos, pero namatay din habang ginagamot habang kinilala ang driver ng isang Geely Coolray SX11G.S na si Jean Paolo Tenorio, 29, binata.

Sa ulat ni Corporal Deverson Salinas ng Alfonso Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang kulay pula na Suzuki MC na may plakang NC 58201 patungo sa direksiyon ng Batangas West habang binabagtas ang kahabaan ng Tagaytay-Nasugbu Highway habang ang suspek ay minamaneho ang kanyang kotse sa opposite direction dakong alas-9:30, kamakalawa ng umaga.

SM food to go Banner Ad

Pero pagsapit sa Brgy. Buck Estate ng naturang bayan ay inantok ang driver ng kotse dahilan upang mapunta at sakupin ang kabilang lane ng kalsada na nagresulta sa head-on collision.

Dumausdos din ang kotse ng suspek at nahulog sa bangin pero himalang sugat lang ang tinamo ni Tenorio. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.