Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Driver ni Gordon sinisi sa pagkalat ng COVID

0 230

Umaapela ang anak ni Senador Gordon na maging mahinahon ang mga residente ng Pacific Plaza Towers (PPT) sa Bonifacio Global City sa Taguig City matapos ang COVID-19 infection sa lugar na galing umano sa driver ng mambabatas.

Sa pahayag ni Marnie Gordon Sambalido, kinumpirma nito na nagpositibo sa COVID-19 ang driver ng kanyang amang senador na tumira sa drivers quarer sa South Tower ng PPT.

Subalit hindi aniya makatarungan na sisihin ito na siyang source ng COVID outbreak sa mga residente at staff ng PPT.

“I feel pointing fingers concerning a virus that is widespread and highly contagious is not appropriate. Yes, it is possible that they may have been infected by our drivers but it is equally possible that our drivers got it from the many other drivers or staff in PPT as well. It just so happened that our drivers got tested first and the information was purposely shared by us,” said Gordon-Sambalido.

Mahirap din aniyang matunton kung saan galing ang infection.

Ipinahayag ito ni Gordon-Sambalido bilang reaksyon sa Facebook post ni dating Miss Universe Margie Moran, misis ng bilyonaryong si Tonyboy Floirendo, na sinisisi ang driver ni Gordon kung bakit tinamaan ng COVID-19 infection ang kanyang kapatid na si Francis, asawa nitong si Sandy, at ang kanilang stay-in staff.

Ayon kay Moran, nahawa ang kanyang kapatid sa driver ni Gordon na nakuha aniya ang COVID mula sa siyam na staff ng senador sa Philippine Red Cross (PRC).

Sinabi naman ni Gordon-Sambalido na ipinagdarasal ng kanilang pamilya na gumaling agad ang mag-asawang Moran at iba pang nahawa ng COVID-19.

Inihayag din nito na negatibo naman sa COVID-test ang kanyang mga magulang at dalawang helper nila at nakatapos na rin ng 14 araw na isolation period.

“What kept my father protected (despite being exposed and surrounded by the staff who tested positive) were wearing a mask and frequent hand washing. We cannot emphasize this enough,” ani Gordon-Sambalido.

Nakatulong din aniya na may safety precaution ang mga staff na palagiang sinasailalim sa COVID-19 test ng PRC habang ang ibang nahawa ay mild symptom lamang.

Nalaman umano niya ang positive result noong July 17 kaya agad na inabisuhan ang PPT management ng araw na iyon saka nag-alok na ipa-COVID test noong July 18 lahat ng mga nakasalamuha ng mga staff at driver nila.

Nagpadala rin umano ng team ang kanyang pamilya para i-disinfect ang driver’s quarters at lounge noong July 18 at ipinabatid sa kanilang mga kapitbahay sa PPT na may na-infect sa mga staff nila sa pamamagitan ng PPT community Viber.

Leave A Reply

Your email address will not be published.