Abante Tonite Interactive

Driver nilamon ng tangke

0 204

Nasawi ang isang driver matapos ma-swak sa isang tangke kahapon sa Sta. Cruz, Maynila.

Wala ng buhay nang matagpuan ang biktimang si Pablo Bustano y Ablen, 47, driver at taga-125 Alley F. Telecom Company Compound Sta. Cruz, Maynila dakong alas-otso nang umaga.

Sa imbestigasyon ni P/MSg. Jonathan Bautista, ng Manila Police District-homicide section, ang biktima ay nakitang patay sa ibaba ng 10 talampakang cistern tank sa 1711 Alvarez St., sa Sta. Cruz.

Nalaman na si Bustano lamang umano ang pinagkakatiwalaang maglinis ng tangke ng kanyang among si Angel Tiu, isang beses sa isang taon.

Sinabi ng pulisya na posibleng nadulas habang bumababa sa hagdanan kaya na-shoot sa tangke.

Inaalam din kung inatake sa puso ang biktima habang naglilinis na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Patuloy naman iniimbestigahan ng pulisya ang insidente para malaman kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Dinala ang bangkay sa Archangel funeral­ para sa awtopsiya. ­(Juliet de Loza-­Cudia)