Abante Tonite Interactive

Driver rumaket sa droga, bagsak

257

Arestado ang isang tricycle driver na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga matapos maaresto sa ikinasang buy-bust ope­ration ng mga pulis sa Caloocan City, kamakalawa.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) head P/Major Antonio Naag ang naarestong suspek na si Paul Romero Llacer alyas ‘KoyKoy”, 23-anyos, ng No. 748 Guido 1, Barangay 33 Gagalangin, Tondo, Manila.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Jezell Delos Santos, alas-12:30 nang tanghali nang ikasa ng mga operatiba ng DDEU sa pangu­nguna ni P/Major Naag ang buy-bust operation kontra kay Llacer sa Tamban St. Barangay 20 matapos ang natanggap na ulat ng pulisya hinggil sa pagbebenta nito ng iligal na droga.

Nagawang makapagtransaksyon ni PCpl. Aldrin Pascual sa suspek ng isang sachet ng shabu kapalit ng P500 marked money at nang magka­bayaran na’y agad nitong sinunggaban si Llacer.

Narekober sa suspek ang buy-bust money at isa pang plastic sachet ng hinihinalang shabu. (Vick Aquino)