Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Driver sa carnap shootout, bitbit na ng pulis

0 342

HAWAK na ng Cavite police ang driver ng napatay na nagpakilalang miyembro ng Philippine Navy at isa pang miyembro ng Cavite Provincial l Highway Patrol Group (HPG) sa naganap na umano’y anti-carnapping operation matapos itong sumuko sa Camp Crame sa Quezon City.

Alas-8:52 kamakalawa ng gabi nang pormal na i-turn over ng Task Force Limbas, Special Operation Division-HPG, Camp Crame Quezon City si Reymund de Leon, 34, Tubong Bugallion, Pangasinan sa Cavite Police kung saan sinabi nito na ang asawa ng suspek na si Methusael Cebrian na si Navy Lt Senior Grade Janice Cebrian siya nagda-drive ng mahigit dalawang taon na.

Ayon sa kanyang kuwento, galing umano sila sa Sangley Point para bumili ng cake dahil birthday umano ng panganay na anak ni Cebrian at paglagpas umano sa checkpoint ay nag-overtake sila sa mobile ng Cavite HPG.

Dito na sinita ng Cavite HPG ang minamanehong gray Nissan Terra ni De Leon dahil walang plate number at sticker hanggang sa magkaengkuwentro sa pagitan ng HPG at suspek.

Matatandaan na ala-1:00 Biyernes ng hapon nang maganap ang umano’y shootout sa pagitan ng HPG at nagpakilalang miyembro ng Navy sa Manila-Cavite Road, Brgy 8 Dalahican Cavite na nagresulta sa pagkamatay ni PCMSgt Julius Arcalas, suspek na si Methusael Cebian at civilian na si Eduardo Magaba. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.