Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Driver timbog sa droga, walang lisensya

0 217

Arestado ang isang `pedicle driver’ na nagmamaneho ng walang lisensiya, di nakarehistrong motorsiklo at nakumpiskahan pa ng 0.5 gramo ng shabu na may street value na P3,400 kamakalawa ng gabi sa may Ylaya St. corner C.M. Recto Avenue, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Rommel Celso, 35, miyembro ng Commando Gang at taga-Malinta, Valenzuela City.

Ayon sa Manila Police District-Police Station 11, alas 10:30 ng gabi nang sitahin ang suspek nina PCpl Melchor Rafanan at PSSg Jefferson Landrito, kapwa nakatalaga sa Juan Luna PCP, sakop ng PS-11.

Hinanapan umano ng lisensya ang suspek at rehistro ng kanyang motor pero walang maipakita at nang sabihin na i-impound ang kanyang pedicle, dito na nagalit at nagbitaw ng maanghang na salita ang suspek laban sa mga pulis.

Tumanggi rin itong ipadala ang kanyang pedicle at nang kapkapan ay nakuhaan ng shabu.

Bunga nito’y nahaharap ngayon ito sa iba’t ibang kaukulang kaso. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.