Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Driver tinumba sa inuupahang bahay

0 68

Patay ang isang driver matapos na ito ay barilin ng hindi nakilalang salarin sa harap ng kanyang tinutuluyang lodging house sa Tiaong, Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Noriel Medrano Saez, 47-anyos, tubong Sta. Maria, Laguna at pansamantalang nakatira sa isang lodging house sa Brgy. Tagbakin, Tiaong.

Ayon sa Tiaong Police, bandang alas-7:30, Sabado ng gabi, nakatayo ang biktima sa harap ng lodging house nang dumating ang suspek at binaril ito nang ilang beses gamit ang 9mm na baril.

Nagtamo si Saez ng mga tama sa katawan at hindi na naisugod sa ospital dahil namatay siya noon din.

Samantala, naglakad lamang papalayo ang salarin matapos ang pamamaril.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa krimen at kung sino ang suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.