Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Driver’s license 10 taon ang buhay arangkada na

0 245

Sinimulan na kahapon ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-iisyu ng driver’s license na may 10 taon ang validity o bisa.

Pero, nilinaw ni LTO chief Edgar Galvante na ang mga motoristang walang paglabag sa batas trapiko ang tanging maiisyuhan ng lisensiya na hanggang 10 taon ang bisa. Ang mga may paglabag ay makakakuha lamang ng lisensiya na balido hanggang limang taon.

Kasabay nito, nilinaw din ni Galvante na kailangan munang pumasa sa Comprehensive Driver’s Education (CDE) program o seminar bago magsumite ng aplikasyon ang mga motorista na kukuha o magre-renew ng kanilang lisensiya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ito’y para sa mga magre-renew ng kanilang lisensiya, professional man o non-professional. Nire-require ito ng batas na ang magre-renew kailangang dumaan sa parang refresher seminar,” ani Galvante.

Aniya, upang mabigyan ang mga motorista ng sapat na panahon para makumpleto ang kanilang CDE requirement ay pinalawig pa ng LTO ng dalawang buwan mula sa petsa ng expiration ang bisa ng kanilang mga lisensiya.

“`Yong mga due na magre-renew niyan, huwag muna sila magpunta sa LTO kung hindi pa nila nakakamit `yong certificate na nagpapatunay na nagtapos na sila nung seminar,” payo ni Galvante sa publiko. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.