Abante Tonite Interactive

Driving phobia

By
0 158

KAPAG galing sa isang aksidente sa pagmamaneho, hindi maiwasang palagiang maisip na maaring maganap muli ang isang disgrasya.
‘Yan ang palagiang sumasagi sa aking isipan sa tuwing may nakakasalubong o sumusulpot na motorsiklong kawangis ng kasangkot sa aksidente ko sa daan noong Enero 7.
Tunay na malaking abala at pinsala sa pisikal na kaanyuan, maging sa buhay o mismong pati na pinansyal ang dulot ng isang aksidente sa daan.
Kung makakapagsalita ang mga kasangkot sa aksidente, tuloy sa imbestigasyon ‘yan sa presinto na maaaring umabot ng tatlong oras.
Idagdag ang paghihintay bago dumating ang traffic enforcers o kapulisan na mga 30 minutes hanggang isang oras, ang abala ay maaaring makarating na sa Lucena o Kabikulan.
Katunayan, ang pinakamalaking pinsalang dulot ng isang road accident ay hindi pisikal kundi emosyunal.
Tiyak magkakaroon ka ng isang driving at road phobia.
‘Yung iba, taon ang binibilang bago muling humawak ng manibela.
Lalo na yaong may nasagasaan, nakabundol at binawian ng buhay ang biktima.
Sabi nga ng iba, kapag nasa lansangan ka at may dalang sasakyan, katulad mo ang isang nasa delivery room.
Nasa hukay na ang isang paa.
Bakit natin ito sinasabi?
Ito’y hindi para manakot kundi ito ay isang reyalidad.
Kaya natin ito nasabi ay sa kadahilanang marami ang kulang sa pag-iingat sa daan.
Marami riyan ang pagod sa long driving, nakadroga, lasing o diligence, kaya’y may kausap o ka-text sa cellphone.
Lahat ‘yan, gaano ka man kaingat sa manibela ay maaaring maging kadamay ka sa isang grabeng aksidente.
Minsan naman, dahil lang sa yabang naaksidente o nakaaksidente.
Split-second, maaaring mag-iba ang anyo ng buhay ng isang tsuper kung hindi mag-iingat.
To God be the glory!