Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Droga, boga nasabat sa tinedyer, kabatak

0 74

NASABAT ng Philippine Drug Enforcement Agency-Isabela (PDEA-Isabela) ang mga sachet ng umano’y shabu, pinatuyong mga dahon ng marijuana at baril sa hinihinalang pusher kasama ang isang menor-de-edad matapos ang buy-bust operation sa Barangay Baniket, Isabela, Biyernes ng gabi.

Kinilala ni PDEA-Isabela regional director Joel Plaza ang suspek na si Joel Philip Baroga, 33.

Samantala, ang kasamahan ni Baroga na naaresto ay isang 14-anyos na teenager.

Sa police report, ayon kay Plaza, naganap ang insidente alas-9:32 ng gabi.

Ikinasa ang drug bust matapos makatanggap ng impormasyon na magdadala ang mga suspek ng iligal na droga sa kanilang parokyano.

Nakuha sa mga suspek ang P9,800 halaga ng shabu, 30 gramong dahon ng marijuana at .38 revolver at mga drug paraphernalia.

Nakakulong ngayon sa PDEA-Isabela ang mga suspek at nahaharap sa kasong anti-illegal drug act. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.