Abante Tonite Interactive

Droga dahilan ng Miley-Liam breakup

793

HOLLYWOOD

Nagulantang ang Hollywood sa paghihiwalay ng celebrity couple na sina Miley Cyrus at Liam Hemsworth nitong August 10.

Ayon sa source ng TMZ na malapit sa mag-asawa, sinusubukan umano ni Miley na isalba pa ang relasyon nila ni Liam. Ang mala­king problema niya sa kanilang pagsasama ay ang sobrang pag-inom ng alak at paggamit ng droga ng asawa.

Iba naman ang itinuturong dahilan ng isang source na malapit kay Liam. Pang-front lamang umano sa totoong isyu ang malakas na pag-inom at paggamit ng droga ni Liam.

Ayon pa sa TMZ, pagtataksil umano ni Miley kay Liam ang sanhi ng pagkawasak ng kanilang marriage life. Ito’y may kinalaman si Kaitlynn Carter.

Wala pang isang taon simula nang ikasal sina Miley at Liam sa isang romantic ceremony sa kanilang tahanan sa Tennessee. On and off nga ang naging relasyon nila na umabot sa mahigit 10-taon.

(Ronaline Avecilla)