Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Droga negosyo ni Digong kung bumagsak sa bar exam

0 207

Kabisado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasikot-sikot sa negosyo ng iligal na droga kaya hindi niya sasantuhin ang mga sindikatong sumisira sa buhay ng mga Pilipino.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Miyerkoles ng gabi, sinabi ng Pangulo na naiintindihan niya ang negosyo sa pagbebenta ng iligal na droga dahil kung hindi aniya siya pumasa noon sa bar exam, pinag-aralan na niya kung paano magnegosyo nito.

“Kaya kuhang-kuha ko kayo. I mean `yong lengguwahe ninyo pati `yong talkaties niyo sa loob, alam ko `yan. Kasi kung hindi ako pumasa ng bar, nag-aral na rin ako noon para magnegosyo ng droga,” anang Pangulo.

Muling nagbanta ang Pangulo sa mga sangkot sa iligal na droga na papatayin ang mga ito kapag hindi tumigil sa kanilang gawain at patuloy na sinisira ang buhay ng mga Pilipino.

“Basta ako, pagka sinira mo ang Pilipinas, ang bayan ko, papatayin kita. Sinasabi ko sa inyo, kayong mga durugista, aabutin talaga kayo ng suwerte niyo,” dagdag ng Pangulo.

Inihalintulad ni Pangulong Duterte sa pagpapatiwakal ang sasapitin ng mga sangkot sa iligal na droga lalo na kapag nasukol ang mga ito ng mga awtoridad.

“Hinihingi mo eh, para kang suicide. If you commit suicide, bakit ako ang mademanda? Ngayon kung papasok ka sa droga, gusto mo mag-suicide. Eh kung mabaril ka ng pulis diyan pati militar, bakit mo ako sisihin na gusto mo mag-suicide,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.