Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Droga sa ihi ni Christine ‘aamuyin’

0 178

Ni Nancy Carvajal

Hawak na ngayon ng National Bureau of Investigation ang nakuhang ihi mula sa nasawing flight attendant na si Christine Dacera na posibleng maging susi sa kontrobersal na pagkamatay nito, ayon sa isang source sa NBI.

Ang nasabing ihi na nakuha sa Makati Medical Center matapos isugod ang 23-anyos na dalaga noong Enero 1 ay pag-aaralan ngayon at magiging ebidensya kung may sangkot na droga nangyaring New Years Eve party bago namatay si Dacera.

“The urine test result will show if there was drugs in her body and the toxicology level,” dugtong pa ng di nagpatukoy na source.
Sa hiwalay na panayam, sinabi naman ni NBI deputy director Ferdinand Lavin na “there are limitations on the investigation, and in some aspect the permission of the Dacera family is necessary.”

Sa 20 person of interest sa krimen, 13 pa lang sa mga ito ang lumutang sa NBI.

Ayon kay Lavin, ilalabas ng mga ito ang resulta ng imbestigasyon matapos ikonsulta sa pamilya-Dacera.

Leave A Reply

Your email address will not be published.