Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Droga siniksik sa kalabasa, 2 nasukol

0 76

Dalawa katao ang arestado nang tangkang magpuslit ng iligal na droga sa loob ng Davao City Jail sa pamamagitan ng isang kalabasa.

Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas ‘Linda’ at alyas ‘Edwin’.

Personal na ininspeksiyon ng mga tauhan ng BJMP 11 ang dala­wa. Itinago umano ng mga ito ang limang pakete ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia sa nasabing gulay.

Sinabi ng mga imbestigador na isasabay sana ang mga ito sa gulay na idineliver sa piitan kahapon ng umaga.

Tinatayang nasa 23 gramo ang hinihinalang shabu na may tantyang halaga na P360,000.

Todo-tanggi naman ang mga sus­pek at sinabing wala silang alam na may droga sa kalabasa.

Magdadalawang taon nang nag­dedeliver ang dalawa ng gulay sa city jail. Depensa nina Linda at Ed­win, hindi nila alam na may bitbit silang kalabasa sa mga ipinasok na sako. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.