Abante Tonite Interactive

Droga sinisilip sa 2 Chinese na pinatay sa Maynila

By
320

Kabilang ang iligal na droga sa tinitingnan na motibo ng pagpaslang sa dalawang Chinese national na pinagbabaril ng riding-in-tandem malapit sa Uni­ted Nations Avenue station ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 sa Ermita, Maynila noong Sabado ng tanghali.

Nabatid na galing-magpiyansa ang mga ­biktimang sina Yan Yi Shou, 35-anyos, at Wu Huia Hong, 30-anyos, sa Manila Police District (MPD)-General Assignment and Investigation Section (GAIS) at kala­labas lang sa MPD headquarters nang tamba­ngan sila.

Ayon kay Senior Inspector Henry Navarro, hepe ng MPD-GAIS, kasama ng dalawang biktima na lumabas ang piyansador na hindi niya nakuha ang pangalan.

Abante Hiring – IT dep

Inaresto ang dala­wang biktima ng mga tauhan ni Supt. Carlito Mantala, hepe ng Binondo Police Station 11, dahil sa mga kasong direct assault, alarm and scandal, resistance to the agent of person in authority, resisting arrest, drunk and disorderly conduct at threat.

Lumilitaw rin sa pagsisiyasat ng pulisya na si Shou umano ang nagsilbing interpreter nang mahuli ang isang police colo­nel kasama si Hong sa nadiskubreng shabu labo­ratory sa Celadon Residences sa Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila may ilang taon na ang nakakaraan.

Isang insider sa MPD ang nagsabi na posibleng ipinapatay umano ng sindikato ang mga biktima dahi sa pangambang kumanta sila nang maaresto.

Patuloy pa ang im­bestigasyon ng MPD-­Homicide Section sa kasong ito.