Abante Tonite Interactive

Drug bust sa Naic, Kagawad, 4 pa laglag

By
13

Swak sa ikinasang drug bust ng Regional Anti Illegal Drug Group (Region 4-A) ang lima kataong suspek na kinabibilangan ng isang aktibong Barangay Kagawad, sa pangyayaring naganap pasado alas-kuwatro ng hapon kamakalawa.

Higit apat na oras munang naghintay sa pali­gid ng Villa Apolonia Subd. sa Naic, Cavite ang mga ope­ratiba bago positibong nakabili ang inilargang poseur buyer sa mga suspek na sina Ronidel Granados y Peliña alyas ‘Ronnie’, 35, at Raymond Guevarra y Dandoza alyas ‘Tisoy’, 25-anyos.

Nang arestuhin ang dalawa ay naaktuhan pang nagpa-pot session kasama sina Jericho Mojica y Distono, 33 at James Ogot y Jocson, 31-anyos, dinakma rin si Arman Pelayo y Ramos, 47-anyos, Brgy. Kagawad ng Brgy. Patungan, Maragondon Cavite, dahil sa nakuhang sachet ng shabu sa kanya.