Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drug czar na tumimbog ng P8B shabu nilipat sa Caraga

0 47

Muling nagpatupad ng balasahan sa hanay ng Philippine National Police (PNP) kabilang ang hepe ng PNP-Drug Enforcement Group (DEG) na responsable sa pagsamsam ng mahigit sa P8 bilyon halaga ng shabu sa Cavite at Bulacan kamakailan.

Sa dokumento na nakuha ng Abante nitong Martes, aalisin bilang PNP-DEG Director si Police Brig. General Romeo Caramat Jr. at ililipat ito bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 13 o Caraga region.

Matatandaang si Caramat ang siyang responsable sa magkasunod na malakihang drug haul nitong nakaraang Hunyo, unang sinalakay ng grupo nito ang imbakan ng shabu sa Marilao, Bulacan noong Hunyo 4, 2020 kung saan nakumpiska sa raid ang aabot sa P5.63 bilyon halaga ng shabu at naaresto ang isang Chinese national at dalawang pinay.

Hunyo 11, 2020 naman nang salakayin ng grupo ni Caramat ang isa pang imbakan ng shabu sa Genenral Trias, Cavite kung saan aabot sa P2.5 bilyon halaga ng shabu ang kanilang nakuha at isang suspek ang naaresto.

Papalit kay Caramat bilang PNP-DEG Director si Pol. Brig Gen. Armando De Leon n amula sa PRO 11 (Davao Region). Ang reshuffle ay epektibo sa Huwebes, Setyembre 17 ayon pa sa dokumento.(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.