Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drug dealer binitay sa Amerika

0 100

Isinalang sa lethal injection sa US ang isang drug trafficker sa kabila ng argumento ng mga abogado nito na magdudulot ito ng matinding sakit sa akusado dahil sa lung damage na tinamo sa COVID-19 infection.

Ayon sa The New York Times report, sangkot sa serye ng pagpatay sa Virginia noong 1992 si Corey Johnson, 52.

Siya ang ika-12 inmate na binitay mula nang buhayin ng administrasyong Trump ang parusang kamatayan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Idineklarang patay na si Johnson dahil sa lethal injection ng alas-11:34 ng gabi noong Miyerkoles sa federal correctional complex sa Terre Haute, Indiana.

Nagawa ni Johnson ang pitong pagpatay sa Richmond upang mapalago ang isang drug enterprise na nagbebenta ng malakihang halaga ng cocaine.

Kabilang sa nagawa niyang krimen ang pagpatay sa kalabang drug dealer at sa babaeng hindi nagbayad ng biniling cocaine. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.