Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drug dealer trip mamatay kesa makulong

0 382

Isang drug dealer ang napatay nang mas piliing manlaban kaysa mahuli ng buhay at makulong habang nakatakas ang kanyang kasamahang rider lulan ng motorsiklo sa anti-illegal drug operation sa bayan ng San Rafael, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Col.Lawrence Cajipe,provincial director ng Bulacan PNP,ang suspek na si Ian Manalaysay y Ramos,nasa hustong gulang na namatay noon din bunga ng tama ng bala sa katawan habang tinutugis pa ang kanyang kasamahan na nagawang makatakas lulan ng motorsiklong hindi naplakahan.

Base sa report ni P/Lt.Col.Laurente A. Acquiot, San Rafael police chief, alas 11:30 kamakalawa ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit(SDEU)sa Barangay Banca-banca at kanilang target ang drug dealer na si Manalaysay na nakaangkas sa motorsiklo ng kasamahang rider at kumagat sa inilatag na buy-bust operation.

Matapos ang transaksyon ay nagpakilala na ang awtoridad at nakatakda nang arestuhin ang suspek ngunit nakatunog ito kaya bumunot ng baril at nanlaban kaya napilitang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang drug dealer habang nakatakas ang kanyang kasama.

Nakarekober ang Bulacan SOCO Team ng isang caliber 38 revolver, isang pakete ng droga at marked money.

Leave A Reply

Your email address will not be published.