Abante Tonite Interactive

Drug den bumulaga sa buy-bust

By
8

Bumulaga ang isang drug den sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Quezon City kahapon ng madaling-araw nang magkahabulan.

Alas-2:44 ng mada­ling-araw nang magkasa ng buy-bust operation ang mga kagawad ng Quezon City Police sa Freedom Park, Brgy. Batasan ng nasabing lungsod upang arestuhin ang isang nakilala sa alyas na Entoy.

Nakipagkasundo naman ang suspek na maki­pagtagpo sa nasabi ring lugar kung saan namamalagi ang una ngunit sa kalagitnaan ng transaksiyon sa pagitan ng suspek at nagsilbing poseur buyer ay nakatunog ang suspek kaya bumunot ito ng baril at pinaulanan ng bala ang mga nagtatagong mga awtoridad. Doon na nagpalitan ng pu­tok na ikinasawi ng suspek.

Isa namang kasamahan ng suspek ang nagtatakbo at nang habulin ay kumubli ito sa isang bahay na kalaunan ay napag-alamang isa pa lang drug den.

Nasukol ang suspek kasama ang hindi bababa sa 10-katao na naaktuhan pang nagsasagawa ng pot session.