Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drug den ni-raid, 4 kalaboso

0 266

Huli sa akto ang apat na katao habang bumabatak ng shabu sa isang bakanteng bahay sa Caloocan City na ginagawa nilang drug den, kahapon ng madaling-araw.

Kasong paglabag sa R.A. 9165 ang isinampa sa mga nadakip na sina Renato Lingit, 54; Eduardo De Luna, 49; Rona Ibanga, 40; at Miinie Mendoza, 45.

Base sa ulat ng West Grace Sub-Station 3 (SS3) ng Caloocan Police, bandang alas-10:45 ng gabi nakatanggap sila ng tawag sa telepono na umano’y may nagpa-pot session sa isang bakanteng bahay sa kahabaan ng Masagana St., Barangay 73.

SM food to go Banner Ad

Kaagad itong bineripika ng awtoridad hanggang sa makumpirma na may mga tao sa nasabing bahay.

Bandang alas-1:45 ng madaling-araw, pinuntahan na ng SS3 ang sinabing lugar na itinawag ng concerned citizen at dito naaktuhan pa ng mga pulis na bumabatak ng shabu ang apat, kaya naman pinosasan na ang mga ito saka dinala sa presinto.

Nakuha sa kanila ang P300 cash, 6.7 gramo ng shabu na may market value na P45,000 at mga drug paraphernalia. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.