Abante Tonite Interactive

Drug link ni Halili suspetsa lang ni Duterte — Palasyo

1,297

Nilinaw ng Malacañang na hinala o sus­petsa lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pahayag nito na nag-uugnay sa pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Sa harap na rin ito ng pag-alma ng pamilya ni Halili sa ulat na sangkot umano sa illegal drug trade ang alkalde.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang direktang pahayag ang Pangulo na nagdadawit kay Halili sa illegal drug trade.

“I will quote from the translation of what the President said, ‘suspicion’. So it’s a suspicion,” ani Roque.

Sa talumpati ni Pa­ngulong Duterte sa Maasin, Leyte kamaka­lawa nang kagabi ay si­nabi nitong nagkukunwari lamang si Halili sa pagparada ng mga drug addict at drug pusher dahil maging ang alkalde ay sangkot din umano sa drug trade.

Magugunitang sa ta­­lum­pati ni Pangulong Duterte sa 58th foundin­g anniversary ng Southern Leyte, sinabi ni Pangulong Duterte na ‘front’ o pagkukunwari lamang umano ni Mayor Halili ang ‘shame campaign’ kung saan pinaparada o pinoprusisyon ang mga nahuhuling drug addict sa kanyang lungsod pero siya ay sangkot sa iligal na droga.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang mga tauhan at opisyal sa tanggapan ni Halili sa tinuran ng Pangulo at humihinging igalang ang pagluluksa para sa napatay na alkalde.

Naniniwala si Roque na hindi makakaa­pekto sa imbestigasyon ng mga awtoridad ang naging pahayag ng Presidente at nangakong magkakaroon ng malawakang imbes­tigasyon para matukoy kung sino talaga ang mga nssa likod sa pagpatay sa alkalde. (­Aileen Taliping)