Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drug lord kumambiyo kay De Lima

0 189

Inamin ng isang testigo ng prosekusyon sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kaso ni Senador Leila de Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch na hindi niya kilala at wala siyang ibinibigay na pera sa mambabatas kaugnay sa kasong pakikipagsabwatan umano sa iligal na bentahan ng droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Sinabi ni Atty. Boni Tacardon, abogado ng senador, kinumpirma sa korte ni Vicente Sy, isang convicted drug lord, na kailanman ay hindi niya binigyan ng pera o nakausap si De lima taliwas sa unang pahayag nito na nagbigay siya ng pera para pondohan ang kampanya ni De Lima noong 2016.

“Si Vicente Sy ay tumestigo noon at sinabi niya na nag-ambag daw siya ng halagang 500K para daw sa kampanya ni Senator De Lima noong 2012. Pero sa aming pagtatanong, sinabi niya na kailanman ay hindi siya nagbigay ng pera kay Senator De Lima. Sinabi rin niya na hindi niya kilala si De Lima,” ani Tacardon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kabilang si Sy sa mga high profile inmate na may maluhong pamumuhay sa NBP bago pangunahan ng noo’y Justice Secretary De Lima ang pag-raid at pagpapagiba sa mararangyang kubol dito noong 2014.

Dumalo si De Lima sa nasabing pagdinig sa pamamagitan ng teleconferencing sa Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City kung saan siya nakakulong.

Samantala, iniharap din ng prosekusyon bilang testigo sa naturang pagdinig ang abogado mula sa Public Attorney Office (PAO) na si Atty. Rigel Salvador at inamin din nito na wala siyang personal na nalalaman sa diumano’y pagkakasangkot ni De Lima sa iligal na transaksyon ng droga sa NBP.

Leave A Reply

Your email address will not be published.