Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drug lord todas sa NBP gang war

0 538

Kabilang sa mga natagpuang patay sa naganap na riot sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) kahapon, ay si Rustico Ygot, isang convicted drug lord.

Ayon sa source ng Politiko, “No wounds, knife or gunshot, but Rustico Ygot was among those found dead after the riot. Investigators are still establishing the cause of death.”

Matatandaan na si nadiskubre ang selda ni Ygot na mayroong internet access at camera na direktang nakakonekta sa bahay ng girlfriend nito sa Cebu.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ygot was allegedly the new drug kingpin inside the Bucor,” ayon pa sa source.

Sa police report noong 2018, sinasabing nakuha ang nasa 28 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P190.4 milyon sa tauhan ni Ygot sa Cebu City.

Batay sa inisyal na ulat ng Bureau of Corrections, naganap ang riot sa pagitan ng Commando at Sputnik gang, na kumitil sa 9 na buhay, kabilang si Ygot.

Kahapon ipinag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang imbestigasyon sa nangyaring gulo sa pagitan ng mga preso sa NBP. Pangungunahan ni National Bureau of Investigator Officer-In-Charge Eric Distor ang pagsisiyasat sa insidente. Inatasan si Distor na magsumite ng inisyal na ulat matapos ang 10 araw. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.