Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drug paraphernalia natisod sa PNPA quarter

0 146

INARESTO sa loob ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang isang mess staff na hinihinalang nagtutulak matapos mahulihan ng mga drug paraphernalias sa Silang, Cavite.

Kinilala ang naaresto na si Diosdado Reyes Jr., personnel ng PNPA Mess Hall sa Brgy Tartiara, Silang, Cavite.

Sa ulat ni PMSgt Robert Dimailig, ng Silang Municipal Police Station, alas-2:00 kamakalawa ng hapon nang mag-inspection sa loob ng quarter si PLt Col Crisostomo Ubac, Chief Intelligence and Investigation Department ng PNPA base sa sumbong ni Cadet 1CL John Dave Macacba kung saan nagtutulak umano ng droga ang suspek, dito na nakuhanan ng mga drug paraphernalias ang suspek. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.