Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drug pusher na traffic enforcer tinimbog

0 57

HULI ang isang traffic enforcer ng Land Transportation Office (LTO) na tinaguriang high value individual (HVI) matapos ang ginawang anti-illegal drug bust ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA-Cor) sa Suello Village, Santo Tomas Proper, Baguio City noong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Manolo Castillo Banta, 30, binata, miyembro ng Flying Squad ng Baguio City LTO, ng Bayan Park, Aurora Hill ng nasabing siyudad.

Sa imbestigasyon, ayon sa Baguio City Police Office (BCPO) anti-narcotics unit, si Banta ay isa sa mga HVI na sangkot sa illegal drug pushing sa Baguio City kung saan ginagamit umano nito ang kanyang posisyon sa pagtutulak.

Inaresto ang suspek matapos nitong iabot ang 2.5 na gramo ng pinaghihinalaang shabu na may street value na P17,000 sa isang undercover police agent.

Nakumpiska kay Banta ang shabu, drug paraphernalia at LTO ID nito. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.