Abante Tonite Interactive

Drug pusher na trike driver tinumba ng pasahero

By
1,704

Patay ang isang tricycle driver na dati umanong adik pero kalaunan ay naging tulak ng droga matapos pagbabarilin ng kanyang pasahero sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Sa pag-iimbestiga nina PO2 Rockymar Binayug at PO2 Junny Delgado, bago ang pamamaslang ay nakita pa ang biktimang si Raffy Jackosalem alyas ‘Apeng’, 25-anyos, na nag-aabang ng pasahero hanggang sa sumakay sa kanya ang isang lalaki at nagpahatid sa Salmon St., Brgy. Longos.

Pagdating sa nasabing lugar, sa halip na iabot ang bayad sa biktima ay bumunot ng baril na kalibre .45 ang suspek at pinaputukan si Jackosalem na tinamaan sa kanyang leeg at dibdib.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na sumakay sa isang tricycle ang suspek at tuluyang tumakas habang sinaklolohan naman ng isang residente sa lugar ang biktima at isinugod sa Tondo Medical Center pero namatay ito habang nasa biyahe pa lang.

Nabatid na bukod sa iligal na droga ay sangkot din umano ang biktima sa ilang insidente ng robbery-holdup. Sumuko na umano ito dati sa Oplan Tokhang pero hindi naman nagbago at naging drug pusher pa. (Cherk Balagtas)