Abante Tonite Interactive

‘Drug queen’ at ‘drug princess’ sino ang kasabwat?

By
23

Halos isang linggo nang laman ng balita ang mag-inang Yu Yuk Lai at Diana Yu , ang tinaguriang “drug queen” at “drug princess” na nahulihan ng milyon-milyong halaga ng shabu pero tila ba walang naririnig kung ano naman ang dapat na gawin sa mga opisyal at kawani ng Correctional Institute for Women (CIW) .

Hindi sapat na naka­tutok lamang ang Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mag-inang Yu at makasuhan ang mga ito dahil tila malalim ang misteryo kung paano nakaka­lusot ang shabu sa loob ng CIW.

Interesadong ma­laman ng publiko kung may pananagutan ba dito ang mga opisyal na namamahala sa Correctional dahil bakit tila walang kahirap-hirap maipasok ang illegal na droga sa loob ng kulu­ngan.

Abante Hiring – IT dep

Saludo ako sa PDEA dahil puro bigtime drug traffickers ang nasasakote simula nang panga­siwaan ang anti-drug operations sa bansa, pero kailangan din yatang kumilos ang Department of Justice o Bureau of Corrections at alamin kung paano nakakapasok ang illegal na droga papunta kay Yu Yuk Lai.

Hanggang ngayon, wala man lang pahayag ang DOJ kung ano ang naging paliwanag ng mga opisyal ng CIW sa mga natuklasang illegal na droga ni Yu Yuk Lai. Maraming tanong ang publiko na hindi pa nasasagot.

Hindi puwedeng manahimik dahil ang iligal na droga ang isa sa pinakamalaking problema sa bansa at ma­tutuwa ang mga Fili­pino kung mayroon ding masasampulan na taga-gobyernong kasa­b­wat ng mga drug lord at drug queens sa ilalim ng administrasyong ito.

Kailangang ipakitang pantay ang pagpapatupad ng kamay na bakal, mapa-gobyerno man ang mga ito o mga sindikato.

Aminin man o hindi, marami ang natutukso sa kaway ng salapi at hindi matanggihan ang panunuhol ng sindikato ng droga kaya’t naghihintay ang taong bayan kung kikilos ang DOJ para gawin din sa CIW ang ginawa sa National Bilibid Pri­sons sa Muntinlupa City, kung saan maraming mga opisyal at tauhan na ang nasibak at napalitan dahil sa paniwalang kinain sila ng maling sistema.

Para naman sa PDEA, malaki ang tiwala sa kanila ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte at yaman din lang na nasampulan na ang mga malalaking drug traffickers, mainam na tuntunin ang sinabi ng Pangulo na maraming malala­king isdang nagpapatakbo sa Binondo area para patunayan sa publiko at sa mga kritiko na hindi ­lamang maliliit ang pinupuntirya ng mga ­awtoridad.