Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drug rehab sa Cebu gagastusan ng P170M

0 84

May inilaang P170.5 milyon ang gobyerno sa susunod na taon para sa dalawang drug abuse rehabilitation center sa Cebu.

Ayon kay House As­sistant Majority Leader at Cebu Rep. Eduardo Gullas, ang rehabilita­tion center sa Argao ay makatatanggap ng P84.4 milyon at ang nasa Mandaue City ay may P58.7 milyon para maipagpatuloy ang kanilang operasyon.

“Apart from their operating budgets, the Argao center will receive P17 million for infrastruc­ture spending to increase its bed capacity, while the one in Mandaue will get P10 million for the same purpose.”

Ang 110-bed Mandaue center ay bi­nuksan noong 2019 at ang kauna-unahang pasilidad na exclusive para sa mga babaeng drug dependent saman­talang ang Argao center ay mayroong 300 higaan at isa sa pinakamatan­dang pasilidad na itinayo noong 1984.

Ang dalawang rehab center ay nasa ilalim ng Department of Health (DOH).

“The drug scourge is both a law enforcement and a public health prob­lem. And the problem has two sides – the supply side (the traffickers and pushers) and the demand side (users),” punto ng mambabatas.

Kailangan umano na sabay ang pag-atake sa problema at hindi maaari na puro lamang laban sa mga nagbe­benta ng iligal na droga. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.