Abante Tonite Interactive

Drug smuggling lumobo sa mga kolorum courier

537

Umakyat ang kaso ng drug smuggling ng mga hindi rehistradong courier service sa bansa.

Ito ang ikinabahala ni Buhay Party-list Rep. Jose Lito Atienza kaya inihain niya ang House Resolution No. 481 upang magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa paglipana ng mga kolorum na courier service na siyang nagpalala lamang sa problema ng smuggling sa bansa.

Base sa datos na nakuha ni Atienza mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), tumaas ng 775% noong 2018 ang kaso ng iligal na droga na dinedeliber sa pamamagitan ng cou­rier service.

Noong 2017, apat na kaso lamang ang naitala subalit noong nakaraang taon ay umakyat ito sa 35 insidente ng foreign express delivery ng iligal na droga.

Sinabi ni Atienza na ito ang dahilan kung bakit maraming overseas Filipino worker (OFW) ang nabibiktima ng ilang freight at courier service na hindi lisensiyado mula sa Department of Information and Communications (DICT).

Ang Department of Trade and Industry (DTI) dati ang kumokontrol sa mga courier service subalit nilipat na ito sa DICT sa ilalim ng kanilang Postal Regulations Division.

Sinamantala umano ng mga kolorum na courier service ang e-commerce dahil sa laki ng kanilang kinikita dito.

“The growing number of internet subscri­bers in the country today has resulted to an increase of e-commerce revenue from P44 trillion in 2018,l from P36 Trillion in 2017, with e couriers now worth P36 billion,” saad ni Atienza.