Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drug suspect balik kulungan sa P408K shabu

0 80

Kalaboso ang isang drug pusher matapos na muling masakote sa isinawang buy-bust operation at makuhanan ng P408,000 halaga ng shabu sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si William Tutor, 43-anyos, kabilang sa drug watch list.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa pulisya, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit hinggil sa pagbebenta ng suspek ng iligal na droga kaya’t nagsagawa ang mga ito ng buy-bust operation.

Isang poseur-buyer ang nagawang makapagtransaksyon sa suspek ng P12,000 halaga ng shabu at nang tanggapin ni Tutor ang marked money kapalit ng droga ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

Nakumpiska mula sa suspek ang aabot sa 60 gramo ng shabu, buy-bust money, digital weighing scale at cellphone. Dati na umanong inaresto si Tutor dahil din sa pagbebenta ng illegal na droga noong Marso 6, 2015 at nakalabas nitong nakaraang February 27, 2020. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.