Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drug suspek kalaboso sa Maynila

0 351

Nasamsam ng Manila Police District-Police Station 3 sa isang lalaki na kabilang sa drug watch list, ang shabu na nagkakahalaga ng P310,760 sa Sta. Cruz kamakalawa.

Kalaboso ang suspek na si Ruel Balmonte, 40. Alas-11:50 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation laban sa suspek sa Dimasalang St., corner Tiago St. Brgy. 371.

Nakuha sa suspek ang pitong sachet ng shabu na tumitimbang ng 45.7 gramo at P500 buy-bust money.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek sa Manila Prosecutors Office. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.