Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drug test isama na kuwalipikasyon sa eleksiyon

0 50

Mga ‘iGan, sa War on Drugs na sinimulan ng Duterte administration, dapat na ba na amyendahan ang batas at isama na ang drug test para sa mga kakandidato sa pagka-Pangulo? Seryosong usapin ba ito o bahagi lang ng mudslinging tuwing eleksyon?

Pero kung ang impormasyon ay galing sa isang pangulo ng bansa, itinuturing ito na A-1 intelligence information at hindi ‘raw information’.

Hindi ito mabuting biro.

Negatibo naman sa multi-drug testing kit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang magka-tandem sa eleksyon 2022 na sina Sen. Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III.

“Holistic drug test ito. Lahat ng illegal substance makikita. Hindi lang shabu at marijuana,” paliwanag ni Sotto.

“Magkaalaman na kung sino matatapang,” dagdag pa niya.

Reaksyon ito nina Lacson at Sotto matapoa na palutangin ni Pangulong Duterte na may isang ‘presidential aspirant’ na gumagamit umano ng ‘cocaine’.

Tumanggi siyang tukuyin kung sino ito. Tuloy naman ang koordinasyon ng Philippine National Police (PNP) at PDEA sa isasagawang imbestigasyon para malaman kung sino ang drug user at supplier niya.

Sa huling patutsada ni Duterte, nagbigay siya ng ilang impormasyon – mayaman, sa yate sumusupsop ng cocaine o sa eroplano para makaiwas sa huli ng awtoridad.

Pero nilinaw ng Commission on Election (COMELEC) na di ipinagbabawal sa Omnibus Election Code ang isyu ng droga.

“Ang drug abuse ay hindi kabilang sa mga disqualification na itinakda ng batas,” ayon sa tagapagsalita ng COMELEC, James Jimenez.

Minsan nang sinubukan ng COMELEC na i-require na isama ng mga kandidato, bukod sa Certificate of Candidacy (COC), ang negatibong resulta ng drug test. “Pero hindi ito inaprubahan ng Korte Suprema,” ayon kay Jimenez.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ang isang political aspirant ay maaari lamang madiskwalipika kung siya ay mapapatunayang baliw o incompetent; o kung ang isang partikular na kandidato ay nasentensiyahan ng pinal na paghatol para sa subversion, insurrection, rebellion, o anumang pagkakasala na pinagsilbihan ng isang kandidato ng sentensiya na higit sa 18 buwan, gayundin para sa isang krimen na kinasasangkutan ng ‘moral turpitude’.

Ngayon, sino ang papatol sa hamon nina Lacson at Sotto? Si dating Sen. Bongbong Marcos ba? Si Sen. Manny Pacquiao? Sen. Bong Go? Si Yorme Isko Moreno?

Out na rito si VP Leni Robredo dahil ‘lalaki’ ang tinutukoy ni Duterte.

Ang kampo naman ni dating Senador Bongbong Marcos ay nagpalabas na rin ng ‘negative result’ ng cocaine mula sa St. Lukes Medical Center sa Global City.

Kandidato ka man o ordinaryong Pilipino, laging “say NO to DRUGS!”

Walang Personalan 😉🇵🇭

Leave A Reply

Your email address will not be published.