Abante Tonite Interactive

Drug test sa mga titser, estudyante ikinasa ng PDEA

By
2,121

Itutuloy ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagsasagawa ng ‘mandatory drug test’ sa mga guro at ­estudyante kabilang ang mga grade pupil sa bansa.

Ayon kay PDEA Director General ­Aaron Aquino, may mga nahuhuli silang guro at mga estudyante sa kanilang mga operasyon kaya isusulong nila ang pagsasagawa ng drug test.

Sinabi ni Aquino, mula grade 4 pataas ang kanilang isasa­ilalim na estudyante sa drug test kasama ng kani-kanilang mga teatcher.tt
Sa rekord ng PDEA, ang pinakabata na kanilang nataresto ay nasa edad 10. Aniya, sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang PDEA sa Dangerous Drugs Board (DDB) at Department of Education (DepEd) hinggil sa pagpapatupad ng panukala.

Kaugnay nito’y malamig naman ang Malacañang sa mungkahi ng PDEA na isai­lalim sa sorpresang drug test ang mga estudyanteng nasa edad sampu pataas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang posisyon ang Malacañang sa planong ito ng PDEA dahil ang may hurisdiksyon nito ay ang DepEd.

Ayon kay Roque, kokonsultahin niya si DepEd Secretary Leonor Briones hinggil sa isyu dahil nasa pangangasiwa ng kanyang tanggapan ang mayorya ng mga estudyante.

“I’ll have to consult with the Department of Education kasi po sila talaga ‘yung may primary jurisdiction niyan,” ani Roque. ­