Abante Tonite Interactive

Drug trade ng ninja cop sa city jail nabuking

By
1,091

Nabisto sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO),PDEA at Manila Police District -Police Station 4 na tuloy pa rin ang drug operation ng isang naarestong “Ninja cop” kahit na nakakakulong ito ngayon sa Manila City Jail.

Ito’y matapos madakip ng mga awtoridad si Amelita Sabino sa mismong bahay ng nakakulong na si ex- P02 Jolly Lapuz Aliangan, dating nakatatalaga sa RAID NCRPO sa No. 907, Palawan St., corner Visayan St., Sampaloc, Maynila.
Sinasabing tapat na tauhan diumano si Sabino ni Aliangan.

Si Sabino ay inaresto sa aktong nagbebenta ng may 650 gramo ng shabu na may street value na P4.2 milyon sa isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer dakong alas 6:30 ng gabi, kamakalawa.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Eleazar, si Aliangan ang nagmamando sa pagbebenta ng droga, gamit ang cellphone.

Ayon kay Eleazar, posibleng ang anak na babae ni Aliangan na nakilala lamang na si Diane ang binabagsakan ng shabu at siyang minamanduhan ni Aliangan na mag-supply sa courier kaya kahit na nasa kulungan ito ay tuloy ang kanyang operasyon sa droga.

Pinaghahanap na ng pulisya ang anak ni Aliangan.