Abante Tonite Interactive

Drug user naging informer, itinumba sa Tondo

By
1,044

Patay ang isang lalaki na diumano’y informer ng mga pulis matapos barilin habang nag-aasikaso sa kanilang tindahan sa Tondo, Maynila kahapon ng hatinggabi.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Charles John Duran ng Manila Police District-Homicide Section, nasa loob ng kanilang tindahan sa Margarita St., Tondo ang biktimang si Ruben Nuguid Jr., 25-anyos, nang duma­ting ang dalawang suspek at kaagad na binaril ito na tinamaan sa katawan.

Kahit sugatan ay nagawa umano ng biktima na makatakbo pero bumagsak rin ito sa kalsada. Isa sa mga suspek ang sumunod pa sa biktima at muli itong binaril sa ulo bago nagsitakas.
Dinala sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktima pero hindi na rin ito naisalba.

Abante Hiring – IT dep

Nalaman na ang biktima ay isang self-confessed drug user pero hindi kasama sa watchlist. Nabatid pa na naging police informer din ito.

Napag-alaman pa na una nang pinagtangkaang patayin ang biktima noong bisperas ng Pista ng Tondo pero nakaligtas ito.