Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drug war sablay sa ebidensiyang tawas

0 476

Walang nangyayari sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga dahil tawas at hindi shabu ang ebidensiyang inihaharap ng mga pulis sa korte.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos pangunahan ang pagsunog ng mahigit P7 bilyong iligal na droga droga sa Trece Martires, Cavite nitong Huwebes ng hapon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo kung bakit nababasura ang mga kasong may kinalaman sa iligal na droga noong prosecutor pa lamang siya sa Davao City.

“Iyong mga kaso ko sa korte duma-dive because the evidence na binigay sa akin ay tawas. So ako `yong –I had the burden of bearing the brunt of the court sa mga panahon na iyon,” sabi ng Pangulo.

SM food to go Banner Ad

Naging talamak aniya ang korapsiyon noon sa lungsod kaya nung Mayor siya ay winarningan niya ang mga tiwali sa iligal na droga at binantaang papatayin ang mga ito kung hindi titigil sa kanilang gawain.

Sa ginanap na seremonya sa Cavite, ipinakita ng Philippine Drug Enforcement Administration (PDEA) kay Pangulong Duterte ang bulto-bultong nakumpiskang shabu, coccaine, at iba pang uri ng droga bago ito sinunog.

Kaugnay nito, hinikayat ng Pangulo ang mga law enforcement agency, National Prosecution Service ng Department of Justice at hudikatura na huwag maging kampante sa giyera kontra droga kahit mayroong pandemya.

“Together, let us make a drug-free Philippines the greatest legacy that we can leave behind to our children and the succeeding generations,” anang Pangulo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.