Abante Tonite Interactive

Druggies kumasa hanggang mamatay

By
6

Dalawang kalalakihan na sangkot umano sa kalakaran ng illegal drugs ang patay matapos na mapaengkwentro sa mga ala­gad ng batas sa Lungsod ng Navotas kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Christopher Roque, 40, mangingisda at Tony Santos alyas ‘Pilay’ na pawang mga taga-Abiola Street, Barangay Tangos ng nasabing lungsod na parehong nasawi dahil sa mga tama ng bala sa kanilang katawan.

Nakatakas naman ang tatlong kasamahan ng mga ito na kinilala ang isang si Dominic Panganiban.

Sa ulat ng Navotas City Police ganap umanong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Intelligence Branch (SIB) laban kila Panganiban at Santos sa nasabi rin lang lugar.

Isang operatiba ang nagsilbing poseur buyer ang nakabili ng plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P200 sa mismong bahay ng mga suspek ngunit nakaramdam ang mga suspek na nakikipagtransaksiyon sila sa mga awtoridad.

Doon na bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang pulisya kung saan ay isang alagad ng batas ang tinamaan na mabuti na lamang at naka-bullet vest.

Gumanti ng putok ang mga awtoridad na nauwi sa agaran kamatayan ng mga suspek habang nakatakas naman ang kanilang mga kasama­han na kasalukuyan na ring tinutugis.