Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dry run ng face-to-face class sa walang COVID lang

0 192

Patuloy ang panawagan ng mga mambatas na magpatupad ng dry run ng face-to-face classes sa ilang piling lugar sa bansa.

Nakailang pagdinig na ang Senado hinggil dito hanggang sa pagtibayan isang resolusyon na humihiling na simulan ang pilot implementation ng face-to-face class sa mga lugar na walang kaso o mababa ang kaso ng coronavirus.

Pabor ako dito basta’t gagawin lang sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19. Sa pagkaalam may 1,065 mga paaralan ang kandidato sa pagsasagawa ng pilot run. Ito iyong mga lugar na walang kaso o kokonti lang ang naitalang kaso ng virus.

Kumbaga, dadahan-dahanin lang ang pagbubukas ng ating mga eskuwelahan kaya nga mainam na mag-dry run muna at mapag-aralang mabuti kung sa mga susunod na buwan ay handa na ba talaga tayo sa open classes.

May 60,000 na eskuwelahan sa buong Pilipinas [private and public. Kaya mungkahi ng ilan gawin isang 500 o isang libo muna ang bubuksan para sa pilot testing para sa mga lugar zero COVID case.

At matapos buksan ito, pag-aralan kung ano ang pangyayari doon at kung ano ang kakailanganing hakbang para matututo ang lahat bago buksan ang iba pang eskuwelahan sa ibang lugar sa kapuluan.

At kung makita nating epektibo naman itong pilot testing, eh di sa susunod dagdagan pa dry run ng 100, 200, 500 o higit pa.

Kung sakaling matuloy ito at bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nauna niyang desisyon, tiniyak naman ng mga mambabatas na hindi pipilitin ang mga bata na pumunta sa eskuwelahan. Kung ayaw nila eh di manatili sila sa bahay.

Pero hindi dapat gawin ang pilot testing sa mga urbas areas tulad sa National Cpaital Region (NCR) o sa mga pangunahing lungsod na high risk pa rin sa COVID-19.

Piliin na lang siguro iyon mga low risk areas pero dapat hindi sabay-sabay ang pilot testing. Sabi nga ni Sen. Win Gatchalian, chair ng Senate basic education committee, why not na simulan like sa mga isla na walang namang kaso.

Sa mga pipiliing lugar ng dry run, dapat din siyempre COVID-19 free nitong huling 30 araw at dapat may koordinasyon sa LGUs. Dapat kumpleto din ang pasilidad sa health protocols tulad na handwashing facilities, dapat may alcohol, PPE at thermometer.

Sabi pa ng ani Gatchalian, ang pinakamahalaga sa dryn run na ito, walang pilitan. “Kung ang ating mga magulang ay hindi kumportable pa rin at tingin nila ay ayaw pa nilang lumabas ng bahay hindi ho sila pipilitin, hindi ho, voluntary ito pagdating sa pilot testing”.

So ibig sabihin, voluntary lamang ang estudyanteng lalahok sa dry run na ito. Maliwanag, walang plitian. At lilinawin natin, yung hirit naman ng mga senador, hindi para tuluyang buksan ang klase. Ang sa kanila, batay sa pinagtibay nilang resolusyon, pilot testing lang ilang piling mga lugar na walang kaso ng virus.

Bakit hindi subukan?

Leave A Reply

Your email address will not be published.