Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Detailed service ng 117 atleta pinirmahan

0 214

Lumagda ang Philippine Sports Commission, Armed Forces of the Philippines, Philippine Olympic Committee, at Philippine Paralympic Committee ng Memorandum of Understanding na opisyal na naglagay sa detailed service (DS) ng 117 military athletes at coaches sa national team.

Kinatawan nina PSC Chairman William Ramirez, AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana, POC president Abraham Tolentino at at PPC pres. Michael Barredo, ginawa ng apat na organisasyon ang agreement via virtual signing ceremony Huwebes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipinahayag ni Gen. Sobejana na kumakatawan ang MOU sa pagkakaisa ng lahat ng partido sa hangaring makapagbigay ng karangalan para sa bansa. Nilalayon din nito na makaprodyus ng potensiyal na gold medalist sa mga international competition.

Pero may probisyon na ite-terminate ang DS ng sinumang atleta at coach kung may bangayan sa kanilang national sports association o kawalan ng disiplina base pinaiiral ng AFP. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.