Abante Tonite Interactive

DSWD, BFAR sasaklolo sa mga apektado ng El Niño

230

Magbibigay ng tulong ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD) sa mga magsasaka na apektado ng dry spell sa Davao region.

Ayon kay Mercedita Jabagat, DSWD region 11 director, nakapagbigay na sila ng inisyal na tulong sa mga apektadong magsasaka sa Davao Oriental.

Napag-alamang umaabot na nga­yon sa P1.5 bilyon ang naitalang pinsala sa mga pananim dahil sa nararanasang El Niño.

Tiniyak din nitong magbibibay sila ng assistance sa mga katabing lalawigan na apektado ng dry spell.

Pagsisiguro naman ng BFAR-Region 11 na bibigyan nila ng tulong ang mga fish cage operator na apektado rin ng ma­tinding init ng panahon. (Riz Dominguez)