Abante Tonite Interactive

DSWD cash aid buo ibibigay

1,120

Matatanggap nang buo ng mga benipisyaryo ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P,5,000 hanggang P8,000 cash aid mula sa paunang P100 bilyong pondong tulong anumang araw mula ngayon.

Sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista na ang cash ay bukod pa sa food packs na ibinibigay sa mga beneficiary.

“In cash na ang matatanggap nila para makumpleto yung designated amount sa kanilang region. Hindi na ito magiging combination ng food packs at cash amount,” ayon kay Bautista.

“Ibig sabihin, kung bibigyan sila ng tatlong package ng food packs which cost more than P1,000, hindi ito ibabawas sa designated amount per region,” paliwanag pa ni Bautista.

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, may 18 milyon low-income na pamilya ang magbebenepisyo sa government cash assistance program.

Nabatid na ang mga halagang ibibigay ay depende sa minimum wage ng kaniya-kanyang rehiyon.

Kasama sa programa ang mga informal sector workers na ang kabuhayan ay aoektado ng striktong quarantine measures at miyembro ng pinakamahihirap na sektor.

Sinabi ni Bautista na inuna na nilang bigyan yung mga nasa 4Ps kung saan naideposito na sa Land Bank at sa kanilang ATMs ang kanilang tulong na pinansiyal.

Habang ang mga benipisyaryo sa National Capital Region ay makakatanggap ng P8,000.

Tiniyak ng departamento na darating sa bawat tahanan ang tulong mula sa gobyerno sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19. (Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad