Abante Tonite Interactive

DSWD cash aid pinalilinaw ng Bacolod mayor

467

Hiniling ng alkalde ng Bacolod City na maglabas ng malinaw at tiyak na pahayag ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa mga benepisyaryo ng tulong pinansiyal na ipagkakaloob ng gobyerno ngayong nahaharap ang bansa sa health crisis.

Sa kanyang dalawang pahinang liham kay DSWD Secretary Rolando Bautista, sinabi ni Bacolod City Mayor Evelio Leonardia na mayroong “growing perception” at misinterpretasyon sa mass media hinggil sa budget na para sa lahat ng lower income household.

Ginawa ni Leonardia ang liham sa DSWD matapos aniyang ipabatid sa kanya ng mga alkalde mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang kalituhan sa panig ng mga residente at mga opisyal ng barangay hinggil sa tulong pinansiyal ng gobyerno.

Sinasabi umano sa kanya ng mga barangay captain sa Bacolod na may mga residente silang nagrereklamo dahil sa paniwalang lahat ay qualified na tumanggap ng tulong pinansiya.

Dahil dito, hiniling ni Leonardia sa DSWD na maglabas ng opisyal na pahayag kung saan lilinawin nito na hindi lahat ay makakatanggap ng subsidy kundi iyon lamang mga qualified sa ilalim ng DSWD guidelines.

“We hope to get a categorical statement from our authorities to clear, once and for all, this widespread misconception and misinterpretation that could cause enormous confusion and inordinate expectations among our people,” ani Leonardia. (Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad