Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DSWD ilabas niyo P83B – Senado

0 125

Pinagtibay ng Senado ang isang resolusyon para kalampagin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na madaliin ang paglabas ng P83 bilyong pondo na hindi nagamit habang libong pamilya ang apektado ng COVID-19 pandemya at ng magkakasunod na bagyo sa bansa.

Ginawa ang Senate Resolution No. 574 matapos madiskubre ng mga senador na hindi pa nagagalaw ang nasabing pondo sa kaban ng DSWD.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, bahagi ng naturang DSWD fund ay P75 bilyon mula sa kanilang regular na pondo sa 2020 at P6.7 bilyon mula sa alokasyon sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“This resolution is a call to action, to make sure na hindi mauuwi sa wala iyong pinasa nating budget,” pahayag ni Zubiri sa kanyang pag-sponsor sa resolusyon.

Sabi pa ni Zubiri, dapat ilabas ng DSWD ang nasabing pondo bago matapos ang taong ito.

Samantala, sinabi naman ng DSWD na ang P83 bilyong balanse na inungkat sa Senate budget hearing ay nailaan na para sa implementasyon ng iba’t ibang programa, aktibidad at mga proyekto nito sa natitirang buwan ng 2020. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.