Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DSWD kinuripot ayuda – Lacson

0 143

Binatikos ni Senador Panfilo Lacson ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbibigay ng prayoridad sa ‘savings’ kaysa sa pagtulong sa mga nangangailangan ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno.

Partikular na kinuwestiyon ni Lacson ang ‘premature’ na deklarasyon ng DSWD bilang savings ang P10 bilyon pondo mula sa SAP.

“I would have insisted that the DSWD utilize the P10 billion for distribution, instead of prematurely declaring the same as ‘savings’ after it scaled down the number of cash aid beneficiaries by four million households,” sabi ni Lacson sa isang pahayag nito.

“I would have manifested that hundreds of thousands of mouths are still waiting to be fed just to survive, and that the agency should at least mind those poor souls,” dagdag pa nito.

Sabi ni Lacson, nagkataon lang na nag-preside siya sa budget hearing ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), Southern Philippines Development Authority (SPDA) at Mindanao Development Authority (MDA) habang tinatalakay din ang panukalang pondo ng DSWD noong Martes.

Nagpadala pa umano siya ng liham kay DSWD Secretary Rolando Bautista ng listahan ng mga pamilyang hindi pa nakatanggap ng SAP subalit wala rin aniyang nangyari.

Masaklap pa umano, wala man lang siyang natatanggap pa na sagot mula sa DSWD.

“If this is not a failure of planning, preparation, coordination and implementation, I do not know how to describe it,” ayon pa kay Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.